Malutong na mura at pangduduro ang naging agahan ng California-based vlogger na si Jinky Cubillan o mas kilala bilang si Madam Kilay mula sa kanyang kapit-bahay.

Sa kanyang bagong upload na video sa Facebook, kitang-kita ang usapan niya at ng kanyang kapit-bahay.
"OH ETO CHISMIS!!! ANG KAPIT-BAHAY KONG ASIAN RACIST," caption ni Madam Kilay sa kanyang post.
Patuloy lamang ng pagmumura ng kanyang kapit-bahay sa kanya. Ani pa nito, "It's called America, b*tch." At sinabi na malaya siya makakapagmura dahil kanyang "freedom of speech."
Mahinahon itong sinagot ni Madam Kilay.
Aniya, "I have a freedom of speech too, but don't point on me. Don't point on me. You can talk to me, but don't point on me. You can talk to me nicely, but you can't point on me. Are you racist now?"
Ayon naman sa video, kilala ng kanyang kapit-bahay si Madam Kilay bilang isang vlogger ngunit nais nitong kausapin siya ng personal kaysa sa social media.
Nagpatuloy ang mainit na usapan ng dalawa. Ang puno't dulo ng galit ng kanyang kapit-bahay, ang aso nitong nakawala sa kanyang bakuran.
Bukod sa pagmumura ay binantaan din ng kanyang kapit-bahay na papatin niya ang aso nito.
"If he comes to my yard again, I can kill it," pagbabanta nito.

Sagot ni Madam Kilay, hindi naiiwasan na makawala ang mga alagang aso.
"You can't control minsan na nakakawala ang aso. Pero ang duruin mo ako at murahin sabihin pang stupid ako, that's below the belt," ani Madam Kilay.