Makahulugan ang naging tugon ni Heaven Peralejo nang tanungin siya ni Miguel Dumaual sa most recent interview niya sa ABS-CBN News kung paano niya isasalarawan ang mga nakaraang buwan ng kanyang personal na buhay – mula sa pambibintang sa kaniya bilang third wheel sa hiwalayang Kiko at Devon, hanggang sa umano'y hiwalayan nila ni Kiko.

"I guess it was a rollercoaster. Right now, I'm in the phase of loving myself," saad ni Heaven.

"Every morning and every night, nandoon ako sa mga affirmations. They say, ‘di ba, na ‘pag sinasabi mo ‘yan sa sarili mo, parang magnet iyon, so iyon ‘yung magiging buhay mo. Alam mo, ‘yung mga things na hindi ko alam na kaya kong gawin, nagagawa ko pala, in a good way,” paliwanag pa niya.

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Heaven Peralejo at Miguel Dumaual (Screenshot mula sa YT)

Dagdag pa niya, focus muna siya sa pag-aalaga ng kaniyang dalawang 'anak-anakan.'

"Sobrang enjoy ko na yung (pag-aalaga) pet, yung mobile pet grooming, yung mga ganun… so natutuwa ako kapag tine-train ko sila," giit pa ng young actress na pamangkin nina Rica at Paula Peralejo.

Hindi na rin inungkat pa ng tagapanayam kung ano ang lagay ng relasyon nila ni Kiko Estrada. Matatandaang noong Setyembre 1, umugong ang bali-balitang hiwalay na sila dahil inunfolow ni Kiko si Heaven sa Instagram nito; burado na rin ang mga litratong magkasama sila.

Ayon naman kay Ogie Diaz na dating manager ni Heaven, feeling umano niya ay hiwalay na nga dalawa.

Kiko Estrada, inunfollow ang gf na si Heaven Peralejo sa IG: nagkakalabuan  na nga ba? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Kiko Estradaq at heaven Peralejo (Larawan mula sa Balita Online)

Isinagawa ang panayam dahil siya ang lead star para sa romantic comedy series na 'pasabu' ng WeTV katambal ang naging housemate sa Pinoy Big Brother (PBB): Otso noong 2019 na si Gino Roque. Si Heaven ay naging housemate naman sa PBB Lucky 7 noong 2016.

Tila makahulugan naman ang tugon ni Heaven nang tanungin siya kung ano ang magiging plot o tungkol saan ang pelikula niyang Pasabuy. Ang kaniyang karakter umano rito ay si Anna. Pareho umano silang 'sawi sa pag-ibig.'

“Sawi sa pag-ibig, parang ako! It was just meant to be. Everything was just meant to be. It’s hard to explain, but meeting the people in ‘Pasabuy’ helped me a lot. I’m thankful for all the love and all the learnings," paliwanag niya.

Ang 'Pasabuy' ay idinerehe ng aktor na si Xian Lim, na ngayon ay nasa Kapuso Network na.