Binilhan ni Syrian vlogger na si Basel Manadil o mas kilala sa tawag na 'The Hungry Syrian Wanderer' ang isang estrangherong delivery rider ng bagong motorbike, na naispatan lamang niyang sa daan.

Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post ang kabutihang-loob na kaniyang ginawa para sa naturang delivery rider na nagpakilalang si 'Lauren,' na tanging bisikleta lamang ang gamit sa kaniyang hanapbuhay. Kung tutuusin, hindi na bago ang ganitong mga kuwento kay Basel dahil sadyang bukas ang kaniyang puso para sa mga Pilipinong nangangailangan.

"So when I was on my way going to work, I saw that guy leaning on a jeep, while on his bicycle waiting for a booking and looking around for a customer, kuwento niya.

Mukhang naantig ang kaniyang kalooban sa delivery rider, kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.

Tsika at Intriga

Biktima raw ng tunay na estafador: Atty. Kiko, handang tulungan si Neri sa kaso

"I decided to lessen his struggles and buy him his very own brand new motorbike to make his job easier. Faster delivery means he will earn better. Good things happen to good people. Spreading positivity!" aniya.

Larawan mula sa FB/The Hungry Syrian Wanderer

May be an image of bicycle and outdoors
'Lauren' (Larawan mula sa FB/The Hungry Syrian Wanderer)

May be an image of 1 person, standing, motorcycle and outdoors
Basel Manadil at 'Lauren' (Larawan mula sa FB/The Hungry Syrian Wanderer)

Para kay Basel, malaking bagay na may motorbike ang isang tao, lalo na ang mga delivery riders sa panahon ngayon.

"I used to drive a motorcycle before. I use it to go to school, part-time work and outings with my friends. I know how it feels not to have one," paliwanag niya.

Naantig naman ang netizens sa ginawa ni Basel.

"I can't hide my tears after I read your post! Stay safe and healthy Sir Basel. You're a very generous man. God will abundantly bless you," sabi ng isa.

"We love you so much Basel! You are such a blessing to Filipino people… I'm so proud of you," papuri naman ng isa.

"Thank you Basel for loving us, Filipino people! Continue to be an inspiration for others! May God bless you always!" mensahe naman ng isa.

Mapapanood ang full vlog nito sa kaniyang YT channel.