Naiyak si Pangulong Rodrigo Duterte matapos mapili bilang official vice-presidential candidate ng ruling party na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa naganap national convention at proklamasyon ng mga kandidato ng partido para sa 2022 national elections sa San Fernando, Pampanga, nitong Miyerkules.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan nito ang mga kasamahan sa partido dahil sa patuloy na pagtitiwala at kumpiyansa sa kanya at sa pagpili sa kanya bilang vice presidential candidate ng partido.
“No words can express my gratitude for your continued trust and confidence in my leadership and for nominating me as the party’s official vice presidential candidate in the 2022 elections,” pahayag ng Pangulo.
Naluha pa si Duterte habang isinasalaysay ang pagnanais na maipagpatuloy ang paninilbihan sa bansa pagkatapos ng kanyang pagka-pangulo sa Hunyo ng susunod na taon.
Layunin aniya ng pagkandidato nito na maituloy ang paglansagsaillegal drugs, terorismoat korapsiyon.
“Alam mo kung bakit ako tatakbo ngvice presidency? Is it ambition? Maybe. But is it really a sense of love of country? Yes. Is it really because I want to see the continuity of my efforts even though I may not be the one giving the direction.Baka makatulong lang ako," dagdag pa ng Pangulo.
PNA