Mukhang si LJ Reyes umano ang may kasalanan kung bakit naghiwalay sina Paolo Contis at LJ Reyes, sa pananaw ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin.
Sa September 4 episode ng entertainment vlog/radio show niyang 'Cristy Fer Minute' kasama si Romel Chika, wala umano siyang masilip na ibang dahilan kung bakit biglang 'na-fall out love' si Paolo kay LJ, tinanggap umano nito si LJ kahit may anak na sa naging karelasyon (take note, may dalawang anak na rin si Paolo sa dating misis) tapos bigla na lamang aayaw? Tiyak na may malaking dahilan umano si Paolo.

Inungkat ni Romel ang tungkol sa pahayag ni LJ na para bang ibang Paolo na ang kaniyang nakikita sa tuwing nasa bahay ito.
Lagi rin umano itong umaalis nang hindi nagpapaalam sa kaniya; minsan, ilang araw din bago umuwi.
"Aware siya na nagbago talaga si Paolo Contis ng pagmamahal sa kaniya, ganoon lang 'yun, lagi pong dalawang panig sa isang isyu, tapos yung katotohanan na silang dalawa lang ang nakakaalam at hindi tayo," ayon kay Cristy.
"Ang mahirap lang dito, nakinig siya sa mga sulsol, nakinig siya sa mga bulong, mga sightings, mga kuwento… natural ang lalaki kapag ni-nanag mo, Diyos ko dai, sa kanila nakakasawa 'yun, 'di ba?"
"Kapag nagger ang babae, hindi nila gusto 'yan. Pagod na pagod si Paolo, maghapon-magdamag nagtatrabaho, pagdating ng bahay, kokomprotahin mo pa at sisinghalan? 'Di ba parang ganon? Siyempre, hindi gugustuhin ng lalaki 'yan.," pagtatanggol ni Cristy sa panig ni Paolo.
"Alam mo naman 'di ba, kapag ang babae umiyak na… ano ngang sabi ng isang aktres, 'I will just cry and people will belive me.'"

Kahit na nagsalita na si Paolo, hindi pa rin talaga malinaw kung bakit sila naghiwalay ni LJ. Nagsasanga-sanga ito ng iba't ibang espekulasyon mula sa mga dakilang 'Maritess' sa Mosang Academy. Sabi nga, 'Abangan ang susunod na mga kabanata!"