Positibo sa COVID-19 ang 122 na bata atmgatauhan ngGentlehandsorphanage sa Barangay Bagumbuhay, Quezon City.

Sa naturang bilang, 99 ang mga bata na nasa edad 18 pababa.

Sa kabuuang 143 indibidwal na sinuri, 118 sa mga ito ang nagpositibo sa COVID-19 habang ang apat naman ay kinilala bilang index case.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang mga nagpositibo sa bahay-ampunan ay naka-quarantine na. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Agad namang nagbigay ng paracetamol, vitamins, hygiene kits, face masks, alcohol, at food packs sa orphanage ang Office of the City Mayor.

Hinala ni Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) head Dr. Rolly Cruz, isang asymptomatic adult ang bumisita umano sa orphanage at humawa ng virus sa mga bata.

“Kailangang mapanatili ng mga ganitong closed long-term care facilities ang mahigpit na protocols dahil kahit isang kaso lang ang makapasok sa kanila ay madaling mahawa ang lahat," ani Cruz.

Nanawagan muli si Belmonte sa publiko na paigtingin ang pagpapatupad ng health protocols para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

“Mariin nating ipinapaala na ang hindi pagsunod o hindi pagpapatupad ng minimum public health protocols ay paglabag sa Republic Act 11332. Dapat maging mahigpit ang ating persons in authority sa pagpapatupad nito para maiwasan natin ang pagkalat ng virus," ani Belmonte.

“Patuloy nating papalawigin ang ating swab testing at contact tracing program upang maabot ang mga gaya nitong high-risk closed facilities," dagdag pa ng alkalde.

Allysa Nievera