Nagbabanta sa Northern Luzon ang bagyong 'Kiko' dahil sa inaasahan na magdudulot ng malakas na pag-ulan simula sa Biyernes, Setyembre 10.

Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa layong 670 kilometro Silangan ng Baler, Aurora nitong Huwebes ng umaga.

Dala ng bagyo ang lakas ng hanging 195 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugso na aabot sa 240 kph habang kumikilos pa-kanluran sa bilis na 20 kph.

Isinailalim na ng PAGASA sa Signal No. 1 ang Cagayan, kabilang na ang Babuyan Islands, hilagang silangan ng Apayao (Luna, Pudtol, Flora, Santa Marcela), at hilagang silangan ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan).

Babala ng PAGASA, posibleng marananasan sa Cagayan, kabilang na ang Babuyan Islands at northern Isabela ang malakas na pag-ulan dulot ng bagyo sa simula Biyernes ng gabi.

Probinsya

Magjowang nag-away at 'di nagpaawat sa mga pulis, sa kulungan bumagsak!

“Moderate to heavy with at times intense rains may also be experienced over Batanes and the rest of Isabela,” ayon sa PAGASA.

Sa pagtaya pa ng PAGASA, posibleng mag-landfall ang bagyo sa Cagayan bago ito tatahak patungong Taiwan kung saan inaasahang hahagupit sa Sabado ng gabi.

Jhon Aldrin Casinas