Hindi natuloy ang planong pagbabalik sana sa aksyon ng National Basketball League at Women’s National Basketball League sa Setyembre 11.
Idinahilan ng mga opisyal ng liga ang pinalawig na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila hanggang Setyembre 15.
Magbabalik na sana sa aksyon ang dalawang liga sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga sa nasabing petsa gayunman,napagdesisyunan ng mga league officials na i-postpone ang mga laro kasunod ng huling deklarasyon ng Inter-Agency Task Force na mananatili sa National Capital Region ang MECQ.
Bagamat ang Pampanga ay isang MGCQ area, karamihan sa mga NBL at WNBLbasketball teams ay nasa MECQ areas kung kaya hindi sila makakapag-ensayo.
“As much as the teams and players are very excited to return to the court, the NBL and the WNBL will remain compliant with the government mandate during this pandemic,” pahayag ni NBL/WNBL executive vice president Rhose Montreal.
Marivic Awitan