Mukhang masayang-masaya si Angelica Panganiban sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan batay sa kaniyang mga Instagram posts.
Nitong September 7 ay kinakiligan ng netizens ang sweet birthday message ni Angge sa kaniyang negosyanteng boyfriend, na inilarawan niya bilang 'taong nagbigay kasagutan sa mga tanong niya noon.' Inilakip niya ang kanilang mga litratong magkasama habang sila ay nakabakasyon sa isang beach, nagbubuo ng puzzles, at nakalapat ang mga labi nito sa kaniyang leeg.
"Sa hindi inaakalang pagkakataon, ngunit tinakda ng panahon, nakilala ko ang isang tao na nag bigay kasagutan sa lahat ng bakit ko noon," ani Angelica.
"Maligayang bati sa’yong kaarawan mahal ko. Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin!"

Maligaya naman para kaniya ang celebrity friends na sina Angel Locsin, Kim Chiu, Bea Alonzo, Isabel Oli, Barbie Imperial, Chynna Ortaleza, Kathryn Bernardo, Glaiza de Castro, Angeline Quinto, at volleyball star na si Alyssa Valdez. Nagbigay rin ng reaksyon ang ilan sa mga celebrities gaya nina Paulo Avelino, Angeline Quinto, Isabel Oli-Prats, Kaye Abad, at maging ang direktor at manunulat ng 'That Thing Called Tadhana' (pelikula nila ni JM De Guzman) na si Antoinette Jadaone.
Sa unang araw ng Enero 2021, kasabay sa pagdiriwang ng Bagong Taon, ay nakisabay sa mga fireworks ang pasabog ni Angge hinggil sa kaniyang lovelife.
Noong July 11, ipinagdiwang nila ang kanilang first anniversary bilang magjowa.
“I don’t ever want to be madly in love ever again. I want to be healthy in love, sanely in love, peacefully in love. Happy first year my love, I wuv yew," mensahe ni Angge sa IG post niya na may pa-baby talk pa.

Maraming nag-aasam na sana raw, si Gregg na ang 'forever' ni Angge. Batay sa Instagram profile ni Gregg, siya ay involved sa Bay Marine Subic, na nagdidisenyo at gumagawa ng mga aluminum boats and landing crafts.
Affiliated din siya sa Mangrove Resort Hotel, isang boutique hotel na matatagpuan sa Olongapo, Zambales.
Si Homan ang kauna-unahang non-showbiz boyfriend ni Angge, matapos ang pakikipagrelasyon kina Carlo Aquino, Derek Ramsay, at John Lloyd Cruz.