Nakapasok na sa Pilipinas ang mga Afghan refugees matapos tumakas sa Afghanistan na sinakop ng mga militanteng Taliban.
Ito ang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin, Jr nitong Miyerkules ng gabi at sinabing kabilang sa mga refugee na dumating sa bansa ay mga babae at bata.
Sa kanyang social media post, pinasalamatan ni Locsin ang magkapatid na Dominguez na sina Finance Secretary Carlos Dominguez III at Paul Dominguez na nagpaabot ng impormasyon sa DFA at sa Department of Justice kaugnay ng usapin.
“We stay steady where others waver: tonight, we welcome Afghan nationals including women and kids seeking refuge. Our doors are open to those fleeing, conflict, persecution, sexual abuse and death. Thank you, Sonny and Paul Dominguez, Vince Dizon for bringing the matter of the refugees to DFA & DOJ attention,” aniya.
Gayunman, hindi na nagbigay pa ng iba pang detalye si Locsin para na rin sa kaligtasan ng mga refugee.
Roy Mabasa at Bella Gamotea