Iniinda ngayon ng ilang restaurant owners ang pabago-bagong quarantine classifications sa Metro Manila.

Babalik na sana sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila nang biglang inanunsyo ng Malacañang, gabi ng Martes, Setyembre 7, ang pananatili ng rehiyon sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Setyembre 15.

Hindi maiwasang ilang may-ari ng dine-in restaurants ang naghanda na para sana sa muling pagbubukas nitong Miyerkules, Setyembre 8.

Isa si “Inchang” Mendoza, may-ari ng Inchangyeopsal Korean Restaurant sa Tayuman Sta. Cruz, Manila, sa mga dismayado sa naging hakbang ng gobyerno.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Larawan mula sa Inchangyeopsal Korean Restaurant

Hindi nito napigilang maglabas ng hinaing sa social media at agad na umagaw ng atensyon sa publiko.

“Yung nagpa-meeting ka [na], tapos nagpa-general cleaning na rin para nga sana bukas! At bumili na din ng daan-daang kilong pork, chicken and beef ending, last minute i-announce na na MECQ ulit,” bigong pagbabahagi ni Mendoza sa kanyang Facebook nitong gabi ng Martes.

Kalakip ng ngayo’y viral Facebook post ang larawan ng ginanap na meeting sa kanyang mga empleyado at ang sako-sakong suplay para sana sa muling pagbubukas ng kanilang dine-in services.

Ayon pa kay Mendoza, “may malaking chance” na masayang din ang kanilang suplay dahil “hindi naman ganun kalakas” ang online delivery kung ikukumpara sa nahihikayat nilang mag dine-in para rin sa “ambiance” ng kanilang restaurant.

“Dear government, maawa naman kayo sa mga taong sobrang naapektuhan na [nagta]trabaho nang maayos! Sa totoo [lang], hindi ako naaawa sa sarili ko dahil may pang fall back akong – shopee -- naawa ako sa mga employees ko na hindi na makapag trabaho ng maayos!” dagdag ni Mendoza.

Sa panayam ng Balita kay Mendoza, Hulyo 26 pa nang isara ang restaurant para sa mga dine-in customers kasunod ng mataas na banta ng Delta variant sa bansa.

Simula noon, apektado hindi lang ang potensyal na kita ng restaurant kundi maging ang nasa 32 empleyadong umaasa rito.

Nang tanungin ng resto owner kung epektibo ba para sa kanya ang mga hakbang ng gobyerno para lutasin ang krisis ng pandemya, “big no” ang siguradong sagot nito.

“Its a big no and sa kanila na din nanggaling na [walang] effect ang ginagawa nilang lockdown na yan!” giit ni Mendoza.

Panawagan ni Mendoza na mabigyan ng gobyerno ng maayos na hakbang ang mga business owners.

“Ang gusto ko lang naman sabihin sa post ko ‘yung bigyan kami [nang] maayos na plano para samin mga business owner[s] kasi nga naghahanda kami at sumusunod sa mga protocol[s]!” daing ni Mendoza.

Ilang mga komento naman ang negatibo ang naging reaksyon sa viral post ng resto owner.

‘Yung plano naman na maayos hindi yung on the spot biglang babaguhin na naman ang quarantine napapagod din kami pero ba't yung iba ang dami kuda? Kaloka kayo wag nyo sanang danasin magka negosyo na nakikita nyo empleyado nyo na naghihirap!” paliwanag ni Mendoza.

“Hindi kayang sumurvive ng small business owner ang ganyang eksena ng gobyerno! Bigyan nyo kami ng maayos na plano! Hindi lang physical health naapektuhan samin pati na rin mental health!”

Sa pag-uulat, umabot na sa 65,000 reactions, 44,000 shares aang viral post. Ilang business owners din ang nagkomento at nakisimpatya sa daing ng resto owner.