Nanindigan si Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Martes ng gabi na hindi niya anak ang lalaking nasa TikTok video na nagsabi na "biological dad" nito ang una.
“The video post showing a man who claims that I am his biological father is a desperate attempt to discredit me in the eyes of the citizenry.We expect political trolls to work overtime in their vicious attacks as we enter the campaign season. This is nothingbut an electionblack propaganda,” mariing pahayag ni Roque.
Ang tinutukoy ni Roque ay isang TikTok video na umani na ng 11,000 likes matapos i-upload ng@pulpolitika na mayroon namang mahigit 25,000 followers.
“I have two children and anyone who claims should file an appropriate action in court so I may disprove the same,” pagdedetalye ni Roque.
Sa naturang video, inihayag ng lalaking nagsabing anak siya ni Roque na dismayado ito sa opisyal kaugnay ng pagtugon nito sa panawagan ni Manila City Mayor Isko Moreno sa gobyerno damihan pa ang pagbili nganti-coronavirus disease (COVID-19) drugs.
Gayunman, minaliit ni Roque ang apela ng alkalde at sinabi na ang mga pagbatikos laban sa pamahalaan ay may kaugnayan sa nalalapit na 2022 national elections.
“I’m disappointed, OK. Na-disappoint ako doon sa sagot ng aking biological dad, si Spokesperson Harry Roque doon po sa panawagan ni Yorme Isko na bumili ng Tocilizumab tsaka ng Remdesivir.Alam niyo wala namang kaso yung iba-bash niyo kami, yung hihiritan niyo kami. Pero sana, sana makinig doon sa panawagan. Kasi ito yung kailangan ngayon ng tao.Sa totoo lang, Spox Harry, daddy, it’s meant to save lives. 'Yun po 'yun, I think that’s more important,” paliwanag nito.
Gayunman, ipinaliwanag pa ni Roque na nakararanaspa rin ng problema sa suplay sa buong mundobunsod na rin ng tumataas na active cases kaya gumagawa na ng paraan ang mga opisyal ng Department of Health upang humanap ng alternatibong panlunas sa COVID-19.
Ellson Quismorio