Normal lamang sa magkakaibigan ang pagkakaiba-iba sa mga opinyon, saloobin, at maging sa mga interes subalit sa bat ba itong dahilan upang mag-unfriend sa isa't isa?

Pinag-uusapan ngayon ang umano'y pagbabanta ni Ate Gay o Gil Morales sa kaniyang kaibigang komedyante rin na si Vincent Aycocho o mas kilala sa screen name na 'Petite,' na i-uunfriend niya ito sa social media kapag ipinagpatuloy pa ang pagpapahayag ng paninisi sa gobyerno, sa ilang mga isyu at problemang panlipunan at pang-ekonomiyang kinahaharap ngayon ng bansa.

Tila hindi yata nagustuhan ni Ate Gay ang pabirong patutsada ni Petite sa gobyerno, kaya sinoplak at binasag niya ito, kahit magkaibigan sila.

Ayon kasi sa Facebook post ni Petite, "Diyos ko 11.6 trilyon utang ng Pinas, kahit oras-oras magmax-rate si LYKA hindi mababayaran ang echos na 'yannn!"

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

Petite (Larawan mula sa FB/Vincent Aycocho)

Ate Gay (Larawan mula sa FB/Gil Morales)

Agad namang nagkomento rito si Ate Gay, "Ikaw na ang pangulo! Tingnan ko lang kung hindi ka umutang. Kakaloka ka Petite, tayo nga nagungutang tayo para sa pamilya natin dahil di naman tayo mayaman, ganun din ang Pilipinas di mayaman, mahirap mahirap mahirap noon paaaaaa!!!"

May pagbabanta naman siya sa mga kaibigang patuloy umanong nagbibitiw ng di-magagandang komento hinggil sa gobyerno.

"Delete ko mga friends ko dito na walang ginawa kundi ang mangnega ng umaga, ang manisi, ang sisihin ang gobyerno… basa din, alamin ang pinagmulan ng paghihirap ng Pinas, simulan n'yo ng 1986."

Ang pangulo ng Pilipinas noong 1986 ay si dating pangulong Corazon Aquino.

Matapos mag-viral ang post niya, kumabyo si Ate Gay at sinabing pangarap lang naman niya ang magkaroon ng maraming likes. Nagtagumpay umano siya dahil hanggang sa Twitter ay trending siya. Kaya sabi niya, 'Bati-bati po tayo!"

Ate Gay (Larawan mula sa FB/Gil Morales)

Ate Gay (Larawan mula sa FB/Gil Morales)

Samantala, wala pa namang pahayag si Petite o si Ate Gay sa panonoplak na ito. Ngunit sa ngayon ay hindi na mahanap sa FB ang account na 'Vincent Aycocho' o si Petite. Burado na rin umano ang mga FB posts ni Ate Gay, subalit maraming netizens ang nakapag-screenshot nito kaya patuloy na kumakalat sa social media.