“Face the Lord first.”

Ito ang payo ng Pangulo sa naghahangad na pumalit sa kanya sa Palasyo sa darating na Halalan 2022.

Nagbalik-tanaw daan si Duterte sa kanyang hindi inaasahang pagtakbo bilang Pangulo noong 2016 general election.

Simula na idineklarang Pangulo, naniwala na si Duterte na isang “biyaya mula sa Diyos” ang kanyang posisyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“I really do not know why I made it. Tell me if you know. Pero yung akin, you know, the presidency is a gift from God. Tandaan ninyo yan,”sabi ni Duterte na pinalakpakan naman ng miyembro ng PDP-Laban.

“To those who would aspire for it, you should face the Lord first and ask, ‘Ibibigay mo ba ito sa akin?’” sabi ng Pangulo.

“And after that, if you are chosen by the people through God’s intervention, then you ask, ‘God, what do you want me to do?'” dagdag ng dating long-time Davao city mayor at local prosecutor.

“Kasi itong akin ambisyon lang at naging totoo. Wala naman talaga Deep, deep in my heart, down in my heart, hindi ko talaga masabi noon na manalo ako,” pagbabalik-tanaw ng Pangulo.

Si Duterte, 76, ang pinakamatandang Pilipino na nahalal bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

“Ni wala akong isang barangay captain dito sa In the Visayas, in Cebu, where my father was a native [of], doon mismo wala maski isang kagawad. And yet, yun na, I won,”sabi niya.

Nakaupong chairman ng PDP-Laban si Pangulong Duterte.

Ellson Quismorio