Naramdaman ang ikawalong pag-landfall ng bagyong 'Jolina' sa Batangas nitong Miyerkules ng umaga.

Sa pahayag ni weather forecaster Benison Estareja ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong 9:00 ng umaga nang hagupitin ng bagyo ang San Juan sa nabanggit na lalawigan.

Inaasahang tatahakin ng bagyo ang Batangas at Cavite bago pumasok sa Manila Bay nitong Miyerkules ng gabi.

Sa pagtaya ng PAGASA, babayuhin din ng bago ang bisinidad ng Bataan Peninsula.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Unang nag-landfall ang bagyo saHernani, Eastern Samar (dakong 10:00 ng gabi, Setyembre 6); Daram, Samar (2:00 ng madaling araw ng Setyembre 7); Sto Niño, Samar (3:40 ng madaling araw, Setyembre 7); Almagro, Samar (6:30 ng umaga ng Setyembre 7); Tagapul-an, Samar (7:50 ng umaga ng Setyembre 7); Dimasalang, Masbate (10:00 ng umaga ng Setyembre 7); Torrijos, Marinduque (12:15 ng madaling araw ng Setyembre 8); at San Juan, Batangas.

Babala ng PAGASA, kahit walong beses na bumayo ang bagyo, napanatili pa rin nito ang lakas na95 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong hanggang 130 kph.

Dahil sa inaasahan pang pagbayo nito, nakataas pa rin sa Signal No. 2 angMetro Manila, Marinduque, northern at central portion ng Oriental Mindoro, northern at central portion ng Occidental Mindoro, kabilang na ang Lubang Islands, central at southern portion ng Quezon, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, southern portion ng Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales, at Tarlac.

Isinalalim pa rin sa Signal No. 1 ang La Union, southern portion ng Benguet, southern portion ng Nueva Vizcaya, southern portion ng Aurora, Pangasinan, Nueva Ecija, nalalabing bahagi ng Bulacan, nalalabing bahagi ng Quezon, kabilang ang Polillo Islands, Camarines Norte, western portion ng Camarines Sur, western portion ng Romblon, nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro.

Inalerto na rin ng ahensya ang publiko dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan saMetro Manila, Bataan, Marinduque, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro sa loob ng 24 oras.

Ibinababala rin ng ahensya ang mararanasang walang tigil na ulan sa Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Camarines Sur, Camarines Norte, Romblon, Marinduque, northern portion ng Palawan, kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, at Negros Occidental.

Katamtaman hanggang malakas na ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Cagayan, Batanes, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya sa loob ng 24 oras.

Sa Huwebes ng hapon, inaasahang tatahakin ng bagyo ang West Philippine Sea at hanggang sa makalabas ng bansa at tutumbukin ang China o Vietnam.

Ellalyn De Vera-Ruiz