Sinuspinde ng House of Representatives ang kanilang trabaho nitong Miyerkules, Setyembre 8, dulot na rin ng bagyong 'Jolina.'

Sa kanilang abiso, sinabi ni House Secretary-General Mark Llandro Mendoza na ang trabaho at sesyon ng kapulungan ay tigil-muna mula 12:00 ng tanghali alinsunod sa utos ni Speaker Lord Allan Velasco at isinisi ito sa malakas na ulan na bunsod ng bagyo.

“All meetings are via Zoom only. Please advise your respective offices," ayon pa kay Mendoza.

Bert de Guzman

National

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'