Diretsahang humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pinoy kaugnay sa kung hindi pa sapat ang kanyang ginawa bunsod ng pagsirit ng infection habang nahaharap naman sa imbestigasyon ng Senado ang mga opisyal ng gobyerno kaugnay ng umano'y maling paggamit ng pondo.

Sinabi ng Pangulo, ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya sa panahon ng pandemya ng COVID-19.

“Sa Pilipino, ito ang maiwan ko sa inyo, bababa rin ako, matatapos din ako balang araw. I will not be there for the longest time. Pero sabihin ko sa inyo, ‘yong oath of office ko, talagang tinupad,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, nitong Miyerkules, Setyembre 8.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Kung sabihin ninyo ako ang nagkukulang, sorry. Ginawa ko ang lahat. Kung ang lahat ko kulang pa, patawad po, ‘yan lang talaga ang kaya ko,” dagdag na pahayag niya.

Kamakailan ay ikinasa ng mga senador ang masusing imbestigasyon hinggil sa pandemic transactions ng pamahalaan kabilang na ang pagbili sa umano’y overpriced supplies mula sa kompanya na sinasabing may ugnayan sa dating adviser nig Pangulo.

Ayon sa Pangulo, sinabihan niya ang health department noong nakaraang taon na bumili ng suplay nang magsimula nang sumuko sa COVID-19 ang mga health workers.

“Do not go into a bidding because it will delay the delivery and cause murder,” anito.

“Sabi ko nga, mamili ka kung saang palengke, bilhin mo na. That was my order and I take full responsibility for that order. Ako iyong nag-utos,” aniya pa rin.

Inulit naman ng Pangulo na walang “overpricing” at korapsyon sa kasunduang ito.

Beth Camia