Nagbigay-pugay ang Commission on Human Rights (CHR) sa Kongreso matapos maipasa ang panukalang batas na magbabawal sa “child marriage” sa bansa, umaasa rin ang ahensya sa mabilis na maipatutupad ang batas.

Sa pahayag ng CHR, tinutukoy nito ang House Bill No. 9943 o ang Act Prohibiting the Practice of Child Marriage”at ang Senate Bill No. 1373 o ang “Girls Not Brides Act.”

Pasado sa botong 196 ang HB 9943 habang aprubado na rin ng Senado noong Nobyembre 2020 ang SB 1373.

Layon ng panukalang batas na protektahan ang kabataan sa pamamagitan ng pagbabawal at pagdedeklarang iligal ang “child marriage," kasama ang pagbibigay ng programa at pagpapataw ng multa sa sinumang lalabag dito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa ilalim nito,  “formal marriage between children under 18 years of age, and between an adult and a child which is considered to be a form of forced marriage, given that one or both parties have not expressed full, free and informed consent.”

“This welcome development recognizes the State’s obligation under the United Nations Convention on the Rights of Child; the Convention on the Elimination of Discrimination Against Women; and Republic Act No. 7610, the Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitations, and Discrimination Act,” pahayag ni spokesperson Jacqueline de Guia.

“We hope for the immediate passage of the law, while we all seek ways on how we can provide better living conditions and a nurturing a society to every Filipino child, so they can exercise freely their rights and reach their full potentials,” sabi ni de Guia.

Sa mga nauna nang pahayag ng ahensya, paulit-ulit na giniit ng CHR na ang pag-aasawa bago ang edad 18-taong-gulang ay paglabag sa karapatan ng isang bata.

Ayon sa CHR, malaking banta at pagmamaliit sa karapatan ng kalusugan ng kababaihan kabilang ang reproductive health rights at ang panganib sa sexual at gender-based violence.

“Furthermore, early marriage interrupts girls’ education and compromises their political and economic participation,” dagdag ng pahayag.

Umaasa naman ang CHR na isusulong ng pamahalaan ng interes ng kabataan at ang hangaring matuldukan na ang “child marriage” sa bansa.

Parte pa rin ng tradisyon sa ilang Muslim at indigenous cultural communities sa bansa ang child marriage habang 18-taong-gulang ang legal na edad para makapag-awasa

Samantala, ang Code of Muslim Personal Laws, Section 1 Article 16 of Presidential No. 1083 ay nagbibigay pahintulot sa marriage at the age of puberty o sa simula ng unang menstruation ng isang babae.

Jel Santos