Pinatutsadahan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, Setyembre 6, matapos ihayag ng huli na, "hindi mananalo" ang oposisyon sa May 2022 elections.

Habang hindi pa kinukumpirma ni Robredo kung siya ay tatakbo sa pagka-pangulo, aniya, hindi si Duterte ang magdedesisyon kung hindi mananalo ang oposisyon sa susunod na taon kung hindi ang mga taumbayan.

“Hindi naman siya 'yung magdedesisyon, eh. Tao 'yung magdedesisyon," aniya matapos hingin ang kanyang reaksyon kaugnay ng nasabing pahayag ni Duterte na ginawang halimbawa ang pagkatalo ng mga senatorial candidates ng Otso Diretso noong 2019.

Matatandaang inihayag ng Pangulo nitong nakaraang linggo na kumpiyansa ito sa kanilangtagumpay sa 2022 dahil sa umano'y kawalan ng viable contender mula sa oposisyon.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“Sabi ko magtakbo ako ng vice president. Bakit? Walang oposisyon eh. Hindi naman manalo ang oposisyon na ‘yan," ani Duterte.

“Sigurado ako ang Otso Diretso, ulit na naman iyon. Wala ipinakita sa Pilipinas," dagdag pa nito.

Raymund Antonio