Kinuwestiyon ng isang kongresista ang panukalang ₱221 bilyong budget ng Department of National Defense (DND) dahil sa kawalan ng alokasyon para sa medical equipment sa mga ospital at pondo para sa pagpapagamot ng mga tauhan nito at beterano.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, pinagpapaliwanag ni PBA Party-list Rep. Jericho Nograles ang Department of Budget and Management (DBM) kung bakit zero allocation ang ibinigay nito sa hospitalization ng DND personnel, kumpara sa budget na P1.786 bilyon noong nakaraang tao

Napansin din ni Nograles na ang VMMC ay nag-request ng isang linear accelerator machine na nagkakahalaga ng ₱300 milyon para palitan ang luma nang cobalt-60 teletherapy machine at magnetic resonance imaging (MRI) machine na nagkakahalaga ng ₱90 milyon.

Bukod dito, nag-request ito ng ₱36 milyon para sa pagpapatayo ng endoscopy center with equipage; ₱29 milyon sa renobasyon ng Department of Radiology and Radiotherapy at ₱35 milyon sa renobasyon at upgrade ng pulmonary intensive care unit (PICU) nito. 

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Sa pagkaltas sa kahilingan ng VMMC, naglagay lang ang DBM ng isang footnote na ang gayong mga halaga ay dapat na masaklaw o kunin mula sa mga kita sa golf course.

Kinontra ito ni VMMC director Dr. Dominador Chiong at nagsabing ang kita ng golf course ay hindi sapat dahil maliit lamang umano ang kita nila kada taon.

Binigyang-diin ni Nograles na ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na parehong nasa aktibo at reserve service at maging ang mga beterano, ay kabilang sa nakalantad sa banta ng COVID-19 kung kaya hindi naaayon sa batas ang pagbibigay ng DBM ng zero budget sa pagpapagamot at zero budget sa pagbili ng medical equipment.

     

Bert de Guzman