Isang Pilipina, 30, ang arestado sa South Korea (SK) matapos umanong bugbugin hanggang malagutan ng hininga ang isang 3-taong-gulang na bata, ayon sa ulat ng Hong Kong-based media outfit South China Morning Post (SCMP) nitong Setyembre 6.

Isa sa dalawang anak ng miyembro ng United States Forces Korea (USFK) ang biktima na sa inisyal na ulat ay ipinagkatiwalaumanosa Pinay.

Hindi isinapubliko ang pagkakakilanlan ng suspek. Samantala, sa ulat ng pulisya, ika-7:30 ng umaga nang bugbugin umano ng suspek ang biktima sa loob ng silid sa isang bar kung saan ito nagtatrabaho sa Pyeongtaek, isang lungsod sa Timog ng Seoul.

Hindi naman nasaktan ang nakatatandang kapatid ng biktima,7-taong-gulang.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dagdag ng pulisya sa ulat, namataan umanong hubo’t hubad at palaboy-laboy ang suspek kasunod ng krimen.

Sa imbestigasyon, napag-alamang isang divorcee sa isang Korean national ang suspek at nananatiling legal worker sa South Korea.

Hindi naman ito makausap nang maaayos nang kapanayamin. Negatibo sa impluwensya ng droga ang suspek kaya’y suspetsa ng mga awtoridad ay may karamdaman ito sa pag-iisip. Gayunpaman, susuriin ang urine at blood samples nito para sadagdag naforensic analysis.

Ang may-ari ng bar ang dumulog sa pulisya matapos matagpuan ang labi ng biktima pasado alas-otso ng umaga nitong Linggo. Sunod na ipinag-utos ngawtoridad ang autopsy para matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng bata.

Samantala, hindi malinaw sa ulat kung ano ang relasyon ng USFK army sa Pinay.

Tinatayang nasa 28,500 ang kabuuang bilang ng USFK sa bansang South Korea.