Nilinaw ni Vice President Leni Robredonitong Martes, Setyembre 7, na wala pa siyang iniendorsong presidential tandem para sa Halalan 2022, sabay puntong bukas pa siya sa pagtakbo bilang Pangulo.

“Nililinaw ko lang: Wala pang desisyon at wala akong inendorso,” sabi ni Robredo sa isang Twitter post.

“Nananatili akong bukas sa pagtakbo kung iyon ang ikakabuti ng ating bayan,” dagdag niya.

Pinaliwanag ng bise president na hindi pa siya nakakapagpasya sa kanyang political plans sa darating na eleksyon.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Una nang naiulat na sa isang panayam sa ANC na bukas si Robredo sa pagsuporta sa tandem sa nina Manila Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao kung iyon lang ang paraan para tuldukan ang Duterte regime.

Dagdag pa ng lider ng oposisyon, susuportahan nito ang Isko-Pacquiao tandem sa kondisyong sang-ayon dito ang pinakamalawak na coalition na binuo ng oposisyon.

Nitong Martes, naghatid ng mensahe ang kaniyang taga-suporta na bigyang panahon pa ang kanyang desisyon habang isinusulong ang maayos na pamamalakad sa kanyang opisina sa gitna ng mabagal at bigong hakbang ng pamahalaan laban sa COVID-19 pandemic.

Tanging punto ni lang umano ni Robredo, dapat magsanib-puwersa ang lahat para ipanalo ang Halalan 2022 laban sa kasalukuyang administrasyon.

“Ang punto ko lang, malinaw ang layunin ng lahat ng naniniwala sa makatao at maayos na pamamahala: Ang palitan ang kasalukuyang kalakaran,” dagdag ni Robredo.

Nauna nang naiulat na nakipag-usap si Robredo sa ilang partido na kinabibilang nina Senators Richard Gordon, Manny Pacquiao, Panfilo Lacson, and Senate President Tito Sotto.

Si Robredo pa rin ang nananatiling frontrunner ng oposisyon bilang Pangulo sa kabila ng mababa nito ranking sa mga naunang presidential surveys; early favorites naman sina Moreno at Davao City Sara Duterte-Carpio.

Kagaya ni Robredo, hindi pa rin nag-anunsyo ng potensyal na kandidatura si Moreno, at kasalukuyan itong nakatuon sa mga hakbang laban sa pandemya.

Raymund Antonio