Tinanggal ngPartido ng Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban), na pinangungunahan niEnergy Secretary Alfonso Cusi, si Senador Manny Pacquiao sa listahan ng senatorial candidates para sa May 2022 national elections.

Sinabi ni Cusi na si Pacquiao na mismo nasarado ng pinto sa kanila.

“You know, we have been inviting him. We wanted to meet with him. But unfortunately, he closed the door to us. He didn’t only close the door,” ani Cusi sa isang online press briefing nitong Martes, Setyembre 7.

“We have been saying to him, and this is what I have been saying to him from the very beginning na: please don’t burn your bridges,” paglalahad pa niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Masama ang nangyari kasi, he did not only close the door, but he also burned the bridges,” dagdag pa ni Cusi.

Ayon pa kay Cusi, handa na ang PDP-Laban na ianunsyo ang opisyal na senatorial slate sa National Convention ng partido sa Setyembre 8.

Pormal ding i-eendorso ng grupo ang nominasyon ni Senador Christopher "Bong" Go bilang pangulo habang si Pangulong Rodrigo Duterte naman bilang kandidato sa pagkabise presidente ng PDP-Laban.

Matatandaan na noong Agosto 24, hindi pa interesado si Go na tumakbo bilang presidente.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/24/bong-go-hindi-pa-rin-interesado-sa-pagtakbo-bilang-pangulo/

“I am still not interested. Nakatutok ako sa aking tungkulin bilang Senador upang tulungan ang bansa na malampasan ang krisis na ating hinaharap,” aniya.

Hannah Torregoza