Nitong Abril 24, 2021 ay nagpaantig sa puso ng mga netizens ang isang Special Education o SPED teacher mula sa Zamboanga Del Norte, na nagpaluwal ng sariling pera mula sa kaniyang kinita sa vlogging upang maisagawa ang classroom makeover para sa kaniyang mga estudyante.

Itinampok mismo ni Cyrell Jones B. Sidlao o Teacher Cyrell mula sa Buyos Elementary School, ang kaniyang classroom tour sa mismong YouTube channel niya. Kahanga-hanga ang naging transformation na talagang pinaggugulan niya ng panahon, pera, at effort alang-alang sa mga mahal niyang estudyante.

Aniya, gumastos siya ng ₱20K sa naturang classroom renovation. Nagkaroon siya ng pondo mula sa pinagsamang YouTube revenue niya sa isang taon at fundraising. Ginawa niya ito upang mas maging relax at komportable ang kaniyang mga estudyante, habang sila ay nag-aaral.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Screenshot mula sa YT/Cyrell Jones B. Sidlao

Screenshot mula sa YT/Cyrell Jones B. Sidlao

Screenshot mula sa YT/Cyrell Jones B. Sidlao

Screenshot mula sa YT/Cyrell Jones B. Sidlao

Screenshot mula sa YT/Cyrell Jones B. Sidlao

Screenshot mula sa YT/Cyrell Jones B. Sidlao

Screenshot mula sa YT/Cyrell Jones B. Sidlao

"When the school assigned me to this old classroom, I knew I must do something to make my classroom conducive to learning, especially [since] I’m teaching children with difficulties and some children are easily distracted,” saad ni Sidlao sa panayam ng Balita Online.

“I want to makeover my room [into] something that will make them relax and refresh. I chose light blue green para malamig sa mata," dagdag pa niya.

Bilang isang guro, tanggap niya na hindi lamang nakakahon sa pagtuturo ng mga aralin ang tungkulin ng isang guro: tungkulin din niyang iparamdam at ipakita ang kaniyang 'loco parentis' o pagmamahal na nagmumula sa isang magulang. Ang mga guro ay tumatayong pangalawang magulang sa kanilang mga estudyante.

May be an image of Cyrell Jones
Larawan mula sa FB/Cyrell Jones B. Sidlao

May be an image of Cyrell Jones and smiling
Larawan mula sa FB/Cyrell Jones B. Sidlao

Naghihinayang ang guro na hindi pa ito nagagamit ng kaniyang mga estudyante. Ipinag-utos kasi ng pamahalaan at Department of Education o DepEd na wala munang face-to-face classes hangga't may panganib pang dulot ng pandemya. Subalit positibo pa rin si Teacher Cyrell na matatapos din ang lahat, at makakapasok na ang kaniyang mga estudyante, kung mapapayagan na ang limited physical classes.

"Hindi pa po nagagamit yung classroom last school year. But this school year, looking forward po for the limited face-to-face. Para pagbalik ng face-to-face, classroom is ready na," saad ni Teacher Cyrell.

May mensahe naman siya sa kaniyang mga kapwa guro para sa National Teachers' Month.

May be an image of Cyrell Jones
Larawan mula sa FB/Cyrell Jones B. Sidlao

|"To my co-teachers, I know we face lots of challenges & struggles in this pandemic. Don't mind it. Always look to the brighter side, there are thousands of reasons to be happy everyday, Kaya natin 'to! Happy National Teachers' Month, mga kaguro!" aniya.