Karapat-dapat pa rin pamunuan ni Senator Richard Gordon ang Philippine Red Cross (PRC) sapagkat nagsissilbi ito nang mahusay lalo na sa gitna ng COVID-19 pandemic, sabi ni Sen. Sherwin Gatchalian nitong Martes, Setyembre, Setyembre 7.
Dagdag ng senador, sa pamumuno ni Gordon, pinalakas ng PRC ang testing capacity ng bansa laban sa coronavirus.
“Hindi ko ho nakikita na dapat siyang mag-step down personally dahil unang-una nung tumama ang COVID at wala tayong testing capacity. Ang Red Cross ang unang-unang nagtayo ng testing capacity sa ating bansa,” sabi ni Gatchalian sa Laging Handa briefing.
“Ito nasabi ko na last year pa sa maraming interview na doon sa nung pumalo po ang COVID 19 at rumaragasa po ang COVID 19 last year, almost 90 percent ng capacity natin, nasa Red Cross,” pagpupunto niya.
“I have to give credit to where credit is due. Si Chairman Gordon po ang nanguna. In fact, to be honest about it, nung una, nagkaroon din ako ng duda kung kakayanin niya dahil bago ito. But he did,” sabi ng mambabatas.
Bilang miyembro ng PRC Board of Governors, kamangha-mangha na nakahanap si Gordon ng mga eksperto at mga kagamitang medikal sa mga testing centers.
“Ang hirap kumuha ng experts, kahit na may pera ka hindi mo alam paano ise-set up dahil ang mga pathologists hindi trained,” sabi ng senador.
“Pero nagawa ni Chairman Gordon sa kanyang pangunguna (. So we have to give credit where credit is due,” dagdag niya.
Suportado rin ni Gatchalian ang patuloy na imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee na pinangungunahan ni Gordon, ukol sa pagbili ng overpriced COVID-19 pandemic supplies ng Department of Health (DOH) at ng Department of Budget and Management’s procurement service (DBM-PS).
“Regardless, whether the Committee of the Whole o Blue Ribbon, ang importante po ay malalaman natin ang katotohanan. Makikita natin ang butas o loopholes at maayos natin ang sistema.”
Hannah Torregoza