Opisyal nang sinimulan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Martes ang full line train operations ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) mula sa Recto terminal station nito sa Maynila hanggang sa bagong east extension stations nito sa mga lungsod ng Marikina at Antipolo.

Dahil dito, hindi na kinakailangan ng mga pasahero na bumaba ng tren sa Santolan Station at lumipat ng shuttle kung nais nilang dumiretso sa Marikina at Antipolo City, gayundin kung patungo naman sila ng Santolan Station mula Marikina at Antipolo City.

“I am truly happy that the integration and migration tests were already completed and finally, passengers will not have to transfer at Santolan to complete their journeys,” ayon kay LRTA Administrator Reynaldo Berroya.

Idinagdag rin naman ni Berroya na commitment ng LRTA na mabigyan ang mga pasahero nila ng ligtas, mabilis at maaasahang biyahe. 

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Bukod dito, nabatid na ang LRTA ay nag-deploy na rin ng walong trainsets sa kanilang linya na nagresulta sa pagkakaroon na lamang ng 10 minutong headway o interval sa pagitan ng mga tren.

Matatandaang dati ay limangtrainsetslamang ng LRT-2 ang bumibiyahe mula sa Santolan Station nito sa Pasig City hanggang sa Recto at pabalik, na may 14 hanggang 16 minuto na average headway.

Samantala, mayroon ding isang shuttle train na bumibiyahe naman mula sa Santolan hanggang Antipolo Station at vice-versa, na nagreresulta sa pagkakaroon ng 18 hanggang 20 minuto average trip time.

Mary Ann Santiago