Tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na handa ang pamahalaan upang magbigay ng tulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Jolina.

Ayon kay Roque, nakahanda na ang DSWD gayundin ang mga evacuation centers na posibleng paglipatan sa mga nasalanta ng bagyo.

Samantala, nanawagan naman ang Malacanang na sumunod pa rin sa ipinatutupad na health protocol sa mga evacuation centers.

Para kay Roque, sanay na ang mga Pilipino sa ganitong may kalamidad ngunit kailangan pa rin sumunod sa minimum health protocol lalo’t sa sandaling hindi maiiwasang pansamantalang manuluyan sa evacuation center.

Rep. Pulong Duterte binalingan si Rep. Castro?; trato kina VP Sara, Lopez, ikinumpara!

Beth Camia