COTABATO CITY – Kailangan nang tumanggap ng coronavirus disease (COVID-19) patients ang mga rural health units (RHUs) sa Lanao Del Sur kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga pasyente sa pangunahing pagamutan sa rehiyon sa nakalipas na dalawang linggo.
Maging ang 200-bed Amai Pakpak Medical Center (APMC), ang pinakamalaking pampublikong ospital sa Marawi at Lanao del Sur ay pansamantalang hindi tatanggap ng COVID-19 patients matapos maabot ang full-capacity.
Parte ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang Lanao del Sur kabilang na ang mga probinsya ng Maguindano, Sulu, Basilan, at Tawi-tawi; mga lungsod ng Cotabato, Lamitan at Marawi; at ang 63 nayon sa anim na siyudad ng North Cotabato.
Sa isang pahayag nitong Martes, inanunsyo ni APMC chief Dr. Shalimar Rakiin,na umabot na sa maximum capacity ang pagamutan.
“The COVID-19 wards and intensive care unit of our hospital has reached its full capacity following the ongoing surge of COVID-19 cases,”sabi ni Rakiin.
Dagdag ng opisyal ng ospital, unti-unti na ring bumababa ang suplay ng kanilang mga kagamitang medikal.
“We regret to notify the public that we are experiencing a shortage of medical oxygen supply since our suppliers can no longer provide our needed oxygen requirement,”dagdag niya.
Nasa reduced operating capacity ang ospital para bigyang prayoridad ang mga pasyenteng kailangang ma-admit.
“We humbly request the public to immediately seek medical care to the nearest RHUs or other medical facilities in your area,”sabi ni Rakiin.
Nitong Linggo, isinailalim sa granular lockdown ang ilang lugar sa Lanao del Sur kabilang ang Marawi City, at mga lungsod ng Wao at Ditsaan-Ramain, kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.
Philippine News Agency