Pinalagan ng Malacañang ang alegasyon ng isang kongresista na "siningitan" umano ng pork barrel fund ang panukalang ₱5.024 trilyong national budget para sa 2022.
Pinasaringan ni Presidential Spokesman Harry Roque siGabriela Party-list Rep. Arlene Brosas at sinabing "guni-guni" lamang nito ang nadiskubre umano nitong ₱10 bilyong nakalaan sa isang item na tinatawag naGrowth Equity Fund (GEF) na nakapaloob naman sa Local Government Support Fund at posibleng magamit para sa halalan sa susunod na taon.
Katwiran naman ni Brosas, pasok sa pork barrel odiscretionary funds ng mga kongresista ang nasabing sistema ng paglalaan ng pondo na idineklara na ng Korte Suprema na iligal.
Sa isang pulong balitaan nitong Lunes, dumipensa si Roque at sinabing angInternal Revenue Allotment (IRA) sa panukalang 2022 budget ay mas mataas ng 37 porsiyento dahil ang mga local government unit na ang gagastos sa mga serbisyong alok ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), at Department of Health (DOH).
“Maski gawin mong 37 percent more ang kanilang budget, hindi po sapat para sagutin ang gastos dati ng DA, DOH, at DSWD. Diyan po papasok ang equity fund,” reaksyon nito.
Gayunman, umaasa si Roque na maglalabas angnational agencies at LGUs ng devolution plan dahil na rin sa pagtaas ng kanilang IRA.
Argyll Geducos