Simula ngayong araw, Lunes, Setyembre 6, ipagpapatuloy na ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration sa mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ang iskedyul ng voter registration ay mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado, kasama na rin ang holidays.

Ipinaliwanag ng Comelec na maaaring isumite ang mga applications sa Office of the Election Officer (OEO), o sa mga mall satellite registration sites.

Ang mga sumusunod na aplikasyon ay maaaring isumite via email o sa isang authorized representative: Reactivation, Reactivation with Correction of Entries, Reactivation with Transfer within the Same Locality, Reactivation with Transfer within the Same Locality and Correction of Entries, at Reactivation with Updating of Senior Citizens, Persons with Disability (PWDs), at Persons Deprived of Liberty (PDLs) Records.

National

4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

Samantala, ang mga lugar na isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ), Modified GCQ, at iba pang may maluwag na quarantine status, mananatili pa rin ang voter registration schedule mula 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes, at mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon naman tuwing Sabado at holidays.

Gayunman, mananatiling suspendido ang voter registration sa ECQ areas.

Ang huling araw ng pagpaparehistro ay itinakda sa Setyembre 30.