Hinimok ni Senate President Vicente Sotto III ang awtoridad na muling pag-isipan ang mga hakbang sa paglutas sa coronavirus disease COVID-19 outbreak, partikular na ang umano'y pagdepende lang sa bakuna para protektahan ang populasyon laban sa virus.
Para sa senador, dapat umanong “baguhin ang estratihiya” ng gobyerno sa paglaban sa pandemya lalo na sa pag-usbong ng mga bagong COVID-19 variants.
“Vax vax vax! Ok, but what happens after six months? Ano, ulitan? Nabigla diskarte natin,” pahayag ni Sotto sa Twitter nitong Linggo, Setyembre 5.
“Change strategy naman por Dios y por Santo!” apela ng mambabatas.
Nitong Lunes, Setyembre 6, pinunto ni Sotto na hindi lang dapat nakatuon sa vaccination program ang Interagency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseasesbagkus pati na rin sa pag-iwas at mismong gamot laban sa COVID-19.
Layon ng gobyerno na mabakunahan ang 70 milyong Pilipino sa pagtatapos ng 2021 para maabot ang herd community laban sa virus.
Sa pagsulpot ng Delta variant, patuloy ang negosasyon ng awtoridad para sa booster shots. Sa panukala ng opisina ng Pangulo, P45 bilyon ang inilaan para sa bakuna sa susunod na taon.
Nauna nang ipinanawagan ni Sotto ang “national protocol for the prevention and treatment of COVID-19” bilang alternatibo sa community quarantines.
Sa isang panayam noong Marso kay Sotto, napigil na sana ng bansa ang sakit kung nakatuon lamang ang awtoridad sa “treatment and cure” ng COVID-19 noong 2020.
Suportado rin ni Sotto ang paggamit ng ivermectin laban sa virus kung saan inamin ng mambabatas na ginagamit din niya bilang protekta sa banta ng sakit.
Vanne Ellaine Terrazola