Nangako si bise presidente Leni Robredo nitong Lunes, Setyembre 6, na handa niyang suportahan si Manila Mayor Isko Moreno o si Senador Manny Pacquiao kung mayroon itong "broadest coalition" upang talunin ang kandidato ng administrasyon sa eleksyon 2022.

Manila Mayor Isko Moreno and Senator Manny Pacquiao (Manila Bulletin/Top Rank)

<b>Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina</b>

Humirit si Robredo ng "exploratory talks" para sa mga posibleng 2022 contender para wakasan ang Duterte administration.

“Ako, yes. Yes, if that will be the result of discussions. And that will be the result of the discussions of the broadest coalition that we can form. Bukas ako sa kahit ano na would put a stop to this kind of governance already,” ani Robredo sa isang television interview.

Gayunman, nilinaw ni Robredo na "magbibigay siya ng saloobin sa posibleng presidential run" at isinasaisipumano nito ang mga supporters niya na nagnanais siyang patakbuhin sa 2022 presidential race.

Naiulat na nakausap na umano ng bise presidente si Pacquiao bago ito umalis patungong Estados Unidos para sa boxing match nito. Naghihintay na lamang umano si Robredo upang makapag-usap muli sila ni Pacquiao.

Nagkaroon na rin ng exploratory talks sina Robredo, Senador Richard Gordon at Panfilo Lacson, maging kay Senate President Vicente Sotto III.

Matatandaang sina Lacson at Sotto pa lamang ang kumpirmadong tandem para sa 2022 polls.

Gayunman, tinanggihan ng opposition leader ang alok ni Lacson na isumite ang kanilang mga pangalan para sa posisyon para sa hangaring suportahan lamang kung sino ang lalabas sa presidential survey sa Nobyembre.

Ani Robredo, inaasahan niya mag-uusap ulit sila ng senador dahil nagkasundo na umano sila kung ano ang "best" para sa bansa.

Raymund Antonio