Nagpasalamat si Senador Manny Pacquiao nitong Lunes, Setyembre 6 kay Bise Presidente Leni Robredo dahil sa pagtitiwala nito sa kanya.

Nagpahayag si Pacquiao matapos sabihin ni Robredo na handa siyang suportahan a "Moreno-Pacquiao" tandem upang wakasan umano ang pamamahala ni Pangulong Duterte.

Gayunman, hindi pa kinukumpirma ni Pacquiao kung tatakbo siya sa pagkapresidente o hindi.

"Tulad ng nasabi ko ay pinag-iisipan ko pang mabuti kung alin sa tatlong option ang pinagpipilian ko: ang presidency, ang tumakbo bilang senador o ang tuluyan nang magretiro sa pulitika," pahayag ng senador.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

‘’At kung sakali man na ako ay mag desisyon na tumakbo, sana ay masuportahan ninyo ang aking hangarin para sa kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa," dagdag pa niya.

‘’Gusto kong makita sa kulungan ang mga magnanakaw sa ating pamahalaan na siyang dahilan ng paghihirap ng ating mga kababayan," paglalahad pa ni Pacquiao.

‘’Maraming-maraming salamat po ulit sa inyong pagtitiwala," aniya kay Robredo.

Mario Casayuran