Libu-libong firsherfolks, na apektado rin ng pandemya, ang pinangangambahang mawawalan ng kabuhayan sa nakatakdang demolisyon ng gobyerno sa mga mussel at oyster farms sa Manila Bay.
Ilang miyembro ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ang Pilipinas (PAMALAKAYA) ang sumugod sa headquarters ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para tutulan ang pagsira sa mga estraktura kagaya ng mga mussel, fish, oyster cages at fish pens sa apat na coastal towns sa Cavite.
Nakatakda ang demolisyon sa Martes na maaari umanong makaapekto sa “15,000 fisherfolks” at ilan pang residenteng nakadepende lang sa aquaculture.
“Rehabilitating Manila Bay should be to restore its marine resources for the benefit of small fisherfolk. But the DENR’s thrust says otherwise,” sabi ni PAMALAKAYA chairperson Fernando Hicap sa protesta.
Para kay Hicap na isa ring mangingisda sa Manila Bay, ang mga fishing structures sa nabanggit na lugar ay hindi banta sa marine biodiversity kung ikukumpara sa mga “industrial and commercial establishments” na nagpapakalawa ng solid at liquid wastes sa katubigan ng Manila Bay.
Dagdag niya, malaking tulong sa seguridad ng pagkain at suplay ng isda sa bansa ang mga farming structures na ito.
Naniniwala ang PAMALAKAYA na isang dambuhalang reclamation plan ang nasa likod ng demolisyon, lalo na ang 420 ektaryang panukalang reclamation project sa Bacoor Cavite.
Joseph Pedrajas