Dinagsa ang unang araw ng muling pagbubukas ng Commission on Elections (Comelec) para sa voter registration sa National Capital Region (NCR) habang nasa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa isang pahayag, inulat ni Comelec spokesperson James Jimenez ang mahabang pila sa labas ng mga opisina ng election poll.

“In general these queues remained orderly and compliant with minimum health protocols,”pahayag ni Jimenez nitong Lunes, Setyembre 6.

“Many Comelec Offices did not announce cut-offs, and many announced that they could accommodate in excess of 300 applicants,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kabila ng heavy turnout ng registration, wala pa ring indikasyon na mababago ang desisyong hindi na palalawigin ang registration, ani Jimenez.

Inaprubahan ng Comelec ang voter registration sa mga lugar na isinailalim sa MECQ nitong Setyembre 1.

Simula Miyerkules, Setyembre 8, babalik sa GCQ ang NCR ngunit ipatutupad ang granular lockdown sa ilang piling lugar.

Leslie Ann Aquino