Tumatanggap na ang Manila City government ng mga aplikante para sa Manila Government Internship Program (GIP) at sa Manila Special Program for the Employment of Students (SPES).
Nabatid na ito ay bahagi ng programa ng lungsod na tinawag na ‘Trabaho, Trabaho, Trabaho 2021’ na inilunsad nina Manila Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna at Public Employment Service Office chief Fernan Bermejo.
Layunin nitong mabigyan ng trabaho ang mga Manilenyo na nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Bermejo, ito ay first come, first served basis para sa mga interesado.
Nabatid na ang mga interesadong lumahok sa programa ay maaaring bumisita sa mga sumusunod sa links na Manila GIP Link:https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeF20mjPkVUJHcB1-ZVpU8_RQ3Mvma5NWvx7ncExDzM-PyBiQ/viewformat Manila SPES Link: Special Program of the Employment of Students (SPES) para isumite ang kanilang online application.
Matapos ito ay kailangan na lamang nilang maghintay ng tawag mula sa PESO Online Facilitators para malaman kung sila ay natanggap sa programa.
Mary Ann Santiago