Naglabas ng official statement ang Kapamilya Network hinggil sa pagpanaw ng production assistant na si Lyan Suiza ng teleseryeng 'FPJ's Ang Probinsyano' nitong September 4 dahil sa atake sa puso, sa taping area nila sa Ilocos Norte. Ang opisyal na pahayag ay makikita sa kanilang official Facebook page at iba pang mga kaugnay na FB page ng Kapamilya Network, 'for immediate release.'
"FPJ's Ang Probinsyano mourns the passing away of its production assistant Lyan Leonardo Suiza who suffered a cardiac arrest today (September 4) at 10:40 AM while on their taping break in Ilocos," unang talata mula sa official statement.
Dead on arrival umano si Lyan at negatibo sa COVID-19.
"He was rushed to the Gabriela Silang General Hospital where he was declared dead on arrival. He tested negative for COVID-19."

Nakikiramay umano ang buong Kapamilya Network sa pamilya ng mga naulila ni Lyan. Nanawagan sila ng panalangin para sa ikatatahimik ng kaluluwa nito.