Isinailalim na sa signal No. 1 ang apat na lugar sa bansa matapos pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) nitong Lunes ng madaling araw ang bagyong 'Jolina.'

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang sa apektado ng bagyo angEastern Samar, Dinagat Islands, Siargao Islands, at Bucas Grande Islands.

Huling namataan ang bagyo sa layong300 kilometro Silangan-Timog Silangan ng Guiuan, Eastern Samar, o 310 kilometro Silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

Taglay ng bagyo ang hanging may lakas na 45 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong hanggang 55 kph habang kumikilos oa-Kanluran-Timog Kanluran sa bilis na 20 kph.

National

Int'l lawyers group, nanawagan ng ‘absolute pardon’ para kay Mary Jane Veloso

Ito ang ika-10 bagyong pumasok sa Pilipinas ngayong taon at unang sama ng panahon ngayong Setyembre, ayon pa sa PAGASA.

Ellalyn De Vera-Ruiz