Pinag-aaralan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inirekomenda sa kanya na bagong "quarantine responses" na inaasahang ipatutupad sa Metro Manila sa mga susunod na araw.
Ito ang paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Linggo, Setyembre 5.
Kapag naaprubahan aniya ng Pangulo ang nabanggit na hakbang, posibleng magpairalang pamahalaan ng granular lockdown sa National Capital Region (NCR).
Ipinasya ngMalacañang na magpaliwanag sa naging pahayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez nitong Sabado, Setyembre 4 na inaprubahan na ngInter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagpapatupad ng granular lockdown simula Septyembre8.
"New quarantine responses still for approval of PPRD. FYI," pahayag ni Roque bilang tugon sa inirekomenda ng IATF-EID na quarantine responses.
Sa ilalim ng granularlockdown, tanging mga health workers lamang ang makalalabas ng bahay at ipinagbabawal ang pag-alis ng bahay ng mga authorized persons outside residence (APORs).
Lilimitahan din ang operasyon ng mga negosyo upang hindi na lumaganap pa ng coronavirus disease 2019.
Kasalukuyan pa ring nasamodified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR hanggang Setyembre 7. Kabilang din sa mga lugar na nasa MECQangBulacan, Cavite, Laguna, Rizal,Ilocos Norte, Apayao, Bataan, Aklan, Iloilo, at mga lungsod ng Lucena, Lapu-Lapu, Cebu, Mandaue, at Cagayan de Oro.
Sa kasalukuyan, lumobo na sa2.061 milyong ang COVID-19 cases sa bansa.
PNA