DAVAO CITY – Binawian ng buhay ang isang construction worker at nasugatan naman ang isa pang trabahador matapos silang mabagsakan ng gumuhong tulay nitong Sabado na itinayo pa noong 1960's at nakatakda sanang gibain sa Setyembre 6 dalawang araw matapo ang insidente sa Digos City, Davao del Sur.

Sa report ng Digos City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), kinilala ang nasawi na si Joyco Failma, 30, taga-Upper Panuntungan, Davao City, Sugatan naman katrabahador na si Dexter Orapa, 37,at taga-Santo Rosario, Digos City, kapwa manggagawa ng TSK Builders and Supply.

Nilinaw naman ni Department of Public Works and Highways (DPWH)-Davao Public Affairs and Information Officer Dean Ortiz, ang nasabing  two-lane na Ebreo Bridge na itinayo pa noong 1960's ay biglang bumagsak sa mga trabahador na ikinasawi ni Failma at ikinasugat ni Orapa.

Bago ang insidente, hinuhukay ang lugar upang paglagyan sana suporta ang nasabing tulay bago ito i-demolish.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Antonio Colina IV