Mahahatulan na sa darating na Martes, Setyembre 7, ang tatlong Pilipinang domestic helper sa Hongkong matapos magnakaw mula sa kanilang employer na sina David Liang Chong-hou at Helen Frances.

Pangungunahan ni Deputy High Court Judge Andrew Bruce ang paghahatol sa darating na Setyembre 7. Inaasahan naman na makukulong ang tatlong Pilipina sa loob ng 10 taon ayon sa batas ng bansang Hong Kong.

Ayon sa South China Morning Post (SCMP), nakilala ang Pilipina bilang si Carmelita Galay Nones, 47, mula sa La Union. Kasama nito sa paggawa ng krimen ang pamangkin nitong si Maricris Galay Nones, 32, at Cristina Noble Alagna, 51.

Sa loob lamang na di aabot na isang buwan (May 13 hanggang Jun 2, 2018), nakasibat sila ng tatlong bangle, pitong bracelet, dalawang pares ng hikaw, tatlong single earrings, isang pendant, dalawang necklace at apat na singsing na aabot sa kabuuang halaga na HK$1,265,000, na pahmamay-ari ni Mrs Liang.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Mula Hunyo 3, 2018 hanggang Pebrero 18, 2019, nakakulimbat ang tatlo ng anim na necklace, siyam na bangles, anim na singsing, apat na pares ng hikaw, dalawang bracelet at isang pendant na may kabuuang halaga na HK$2,235,000.

Sa kabuuan, nakapagnakaw si None ng aabot sa 200 alahas na nagkakahalaga ng 14M Hong Kong dollar o abbot sa P90M, mula sa mag-asawa.

Gumastos ng aabot sa HK$890,000 si Mrs. Liang upang maibalik ang mga alahas nito ngunit bigo siyang makuha ang anim na singsing, siyam na hikaw, isang necklace, dalawang bangle at bracelet.

Hindi na rin na-recover ang relo nitong Piaget na nagkakahalagang HK$200,000 matapos maisangla ni None sa halagang HK$17,000 at bigong matubos.

Sa pahayag ni Mrs. Liang sa korte, nakaramdam siya ng matinding kalungkutan matapos nakawan ni None.

Ani ni None, kinailangan niya ang pera upang ipang-gastos sa ina niyang nagkasakit noong 2015, na namatay naman nakaraang taon.

Ayon naman sa pahayag ni Alagna, sinabi ni None na regalo ni Mrs. Liang ang mga alahas kung kaya ay inakala nitong hindi ito ninakaw ni None.

Samantala, dinipensahan naman si Alagna ng dati nitong employer. Sa sulat na ipinadala ng dating employer ni Alagna, sinabi nito na sa loob ng 12 taon ay naging matapat ito sa kanya.

Nakaramdan ng sama ng loob ang amo ni None na si Mr. Liang sa ilang beses na pagnanakaw na ginawa nito. Si David Liang Chong-hou ay dating Executive Director ng New World Development Co Ltd, isang kompanyang nakabase sa Hong Kong na kung saan ay ka-partner ng mga kompanyang pang-imprastraktura, department stores at hotels.