Labindalawang miyembro ng Quezon City police district at apat naagents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)ang sinampahan ng kaso sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng “misencounter” sa naganap na illegal drug operation noong Pebrero 24 sa Quezon City.
Matatandaan na dalawa sa hanay ng pulisya, isang PDEA agent at isang informant ang nasawi sa “misencounter” malapit sa isang kainan sa Commonwealth Avenue.
Ayon kay DOJ Undersecretary Adrian Ferdinand S. Sugay, ang reklamo ay inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) sa direktiba ni Pangulong Duterte bilang tanging ahensya na hahawak sa imbestigasyon ng kaso.
Napabilang sa reklamo ang mga pangalan nina PDEA-Special Enforcement Service (PDEA-SES) agents Khee Maricar Pornobi Rodas, Jelou Juanitez Santiniaman, Jeffrey Panhon Baguidudol, and Romeo Asuncion, and Quezon City Police District-District Special Operating Unit (QCPD-DSOU) members PCPL Alvin Borja, PLT Ronnie Ereno, PCPL Marlon Masiclat, PCPL Ronilo Prepose, PCPL Jason Coranez, PCPL Aries Curit, PCPL Marco Tapanan, PCPL James Dasalla, PMAJ Sandie D. Caparroso, PCPL Raul Christian Zacarias Gandeza, PLT Honey Besas, at PCPL Christopher Alvarez.
Nirekomenda ng NBI ang prosecution kay PDEA agents Rodas, Santiniaman, and Baguidudol sa kasong homicide para sa pagkamatay ni QCPD member PCPL Eric Elvin Garado.. Nahaharap din sa kasong falsification of documents si Baguidudol.
Inirekomenda rin ang criminal charges laban kina PDEA agent Asuncion and policeman Borja sa pagkamatay nina police officer Lauro De Guzman at PDEA agent Rankin B. Gano.
Samantala, isang “John/Jane Doe” naman ang ibinunyag na pumatay sa informant na si “Untong,” ayon sa NBI.
Attempted homicide naman ang haharapin ni Santiniaman sa pagkakasugat sa isang pulis kabilang ang walong iba pa -- Ereno, Borja, Masiclat, Propose, Coranez, Curit, Tapanan, and Dasalla – dahil sa tinamong sugat nina PDEA agents Martin Matthew Soriano and Baguidudol.
Nahaharapin din sina Caparroso, Gandeza, and Besas sa mga kasong direct assault with physical injuries, direct assault with less serious physical injuries, and direct assault.
Sinampahan din ng kasong robbery and conniving or consenting to evasion si Caparroso, kasama niya bilang co-respondents sa robbery charge sina Gandeza at Besas.
Kabilang din sa respondents ni Caparroso sa alegasyon ng conniving or consenting to evasion sina Alvarez, Besas at Erena.
Matatandaang matapos ang “misencounter,” agad na ipinag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang parallel investigation ng kaso.
Kalauna’y nagbaba ng direktiba ang Pangulo at itinalaga ang NBI bilang tanging ahensya na hahawak sa imbestigasyon.
Jeffrey Damicog