Hindi na kinaya ng “Wowowin: Tutok to Win” host na si Willie Revillame ang mga naglalabasang balita sa TV tungkol sa mga politikong kaliwa't kanang may mga sinasabi sa bawat isa.
Kamakailan nga lang ay nagsalita na siya sa kanyang show. Ukol ito sa mga politikong nagbabangayan, nag-aawayan, nagsisisihan sa gitna ng pandemya. Nagmistulang taga-awat o taga-payapa si Willie sa kanyang tinuran.
Saad niya sa mga politikong bumibira, “Pandemya ho ngayon huwag na tayong mag-away away, Diyos ko po! Kami dito hindi na kami nanonood ng news wala na puro positive dapat…thinking ha pero negative ho ang aming mga health yun ang importante. Pasensya na kayo dahil diba ang hirap eh. Mahirap ang pinagdadaanan natin tapos yan ang nakikita mo. Ang daming mga kawawang tao.”
“Kasi minsan ho sa totoo lang diba ayoko nang manood ng news eh. Bakit? E yun ang napapanood mo diba. Tinitingnan yung dumi ng kapwa mo. Diyos ko po, mahirap,” dagdag pa niya.
Hindi raw ito ang panahon para mag-away at sisihin ang kahit na sino bagkus panahon para raw gumawa ng kabutihan sa mga tao sa pinagdadaanan natin ngayon.
Giit ni Willie, “Binoto kayo ng sambayanan hindi para mag-away kundi magkaisa, magsama-sama at tulungan ang mga mahihirap pati na ang mga frontliners.”
Binanggit din niya ang mga health workers, mga nurses na nahihirapan na. Ayon sa kanya gagawa raw siya ng paraan upang makapagbigay ng tulong sa abot ng kanyang makakaya at gagawin daw niya ito.
Nagsalita rin si Willie sa nalalapit na filing ng certificate of candidacy at sa mga politikong mahilig mangako.
Aniya, “So one month to go magfifile na ho yung mga kakandidato. Ako, ito lang sasabihin ko sa inyo isipin ninyo yung kinabukasan ng mga apo, anak ninyo. Hindi na tayo sila lang makikinabang diyan. Dapat may pagbabagong tunay na hindi puro pangakong pagbabago. Hindi naman nabago eh. Ilan na ang tumakbong ganyan? Ilan na ang nangyaring ganito? Ilan na ang naging ganito? Nabago ba ang buhay ng mga mahihirap? Hindi naman ah…May nabago ba? Para umunlad ang bansa dapat magkaisa, magmahalan diba? Yun lang.”
Sa napapabalitang pagtakbo ni Willie sa eleksyon aba'y mukhang hindi na itutuloy? Dahil sa sinabi niyang "hindi na raw kailangang nakaposisyon para makatulong."
Actually noon pa niya laging sinasabi ang mga katagang iyan.
Matatandaan na sinabi ni Willie na mayroon siyang major announcement na patungkol umano sa magiging plano niya, kaya naman nagkaroon ng haka-haka ang mga tao na tatakbo siya sa eleksyon.
Basahin:https://balita.net.ph/2021/07/15/willie-revillame-nagbigay-ng-update-tungkol-sa-planong-pagtakbo-sa-senado/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/07/15/willie-revillame-nagbigay-ng-update-tungkol-sa-planong-pagtakbo-sa-senado/
Just incase matuloy ang pagtakbo niya at kalaunan ay manalo paano na ang show niyang “Wowowin: Tutok to Win?” Alam naman natin na marami na ring pinagdaanan ang show na ito at lalo na marami na ring natulungang mga kababayan. Aber paano na? Well, abangan ang susunod na kabanata. Yun na!
Dante A. Lagana