Inabisuhan na ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag maging kampante kaugnay ng tumataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ay nang maitala pa ng ahensya ang 20,741 bagong kaso ng sakit nitong Sabado kaya umabot na sa mahigit 157,000 ang active COVID-19 cases sa Pilipinas.

Paliwanag ng DOH, naitala na ang 2,061,084 total COVID-19 cases sa bansa.

Naitala rin naman ang 21,962 pang pasyente na gumaling na sa sakit kaya’t umaabot na ngayon sa 1,869,376 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 90.7% ng total cases.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Nadagdagan pa ng 189 pasyente ang binawian ng buhay sa COVID-19.

Sa ngayon, umaabot na sa 34,062 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.65% ng kabuuang kaso.

Mary Ann Santiago