Puwede na ngayong magpakasal sa pamamagitan ng tinatawag na “virtual wedding” o "solemnization of marriage."
Sa pagdinig noong Huwebes, ipinasa ng House committee on revision of laws ang panukalang “Virtual Marriage Act” na inakdaninaZambales Rep. Cheryl Deloso-Montalla, chairperson ng komite, at Kabayan party-list Rep. Ron Salo.
Layunin ng panukala na payagan ang mga nagmamahalan na makasal habang sila ay nasa isang lokasyon kahit ang solemnizing officer o magkakasal sa kanila (pari, pastor, mayor) ay nasa malayong lugar basta ang lahat ng requirements para sa isang balidong kasal ay natugunan.
Kabilang sa kinakailangan o requisites para sa isang balidong kasal sa ilalim ng Family Code ay ang kakayahang-legal ng magpapakasal o contracting parties na kusang nagkaloob ng pagsang-ayon sa harap ng isang pari, pastor o mayor sa pamamagitan ng virtual means.
Sa panukala, inilalarawan ang "virtual means," gaya ng paggamit ng video, audio at data transmission devices, na magpapahintulot sa mga tao mula sa iba't ibang lokasyon o lugar na magkita at magkarinigan sa pamamagitan ng teleconferencing.
Ipinaliwanag ni Salo na ang batas ay dapat na mag-adapt sa new normal ng buhay dahil kahit ang Kongreso at ang Supreme Court ay nagsasagawa na rin ngayon ng videoconferencing.
Bert de Guzman