Ilang mambabatas sa Kongreso ang suportadong mapataas ang bayad sa mga taong nahatulan at nakulong sa krimen o kasong hindi naman nila ginawa.

Nanawagan si Deputy Speakers Michael Romero (1PACMAN Partylist) at Evelina Escudero (2nd District, Sorsogon) na repasuhin na ang pagkokonsolida sa limang panukalang batas na layong amyendahan ang Republic Act 7309 na nagsilang sa Board of Claims (BOC).

Naghain din ng hiwalay ngunit parehong panukalang batas sina Reps. Jesus “Bong” Suntay (4th District, Quezon City); Manuel Cabochan (Magdalo Partylist); Luis Campos (2nd District, Makati City) and Mercedes Cagas (Lone District, Davao del Sur).

Ayon kay Romero, ang BOC ay isang ahensya sa ilalim ng Department of Justice (DOJ) na nag-aayos at nagaapruba ng compensation sa mga biktima ng maling hatol.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sa initial deliberation na pinangunahan ng House Committee on Justice sa ilalim ng chairmanship ni Leyte Rep. Vicente Veloso, nagpahayag na agad ng suporta si Romero para sa consolidation ng mga panukalang batas.

“Briefly put, RA 7309 is a very good law which now finds itself outdated in terms of the amounts awarded to the victims. Further, the process of compensation is slow and tedious resulting in the discouragement of claimants, hence the law is underutilized and the law is not effective at this point,”sabi ni Romero.

“There is a very popular principle that it is better to let the guilty person go unpunished than condemn the innocent. We are also reminded that no justice system is infallible,”dagdag ng mambabatas.

Samantala, sa ilalim ng House Bill 2347 ni Escudero, layon ng mambabatas na gawing P3,000 bawat buwan mula sa P1,000 ang tatanggapin ng biktima, at may kalayaan din itong makapaghain ng civil action.

Para naman kay Suntay, mababa na ang kasalukuyang compensation sa ilalim ng kasalukuyang kondisyon ng ekonomiya.

Sa HB 1664 ni Cabochan, mula P1,000 ay hinihiling nitong gawing P5,000 ang monthly compensation ng wrongly convicted person.

Kwalipikado sa naturang batas ang sinumang nakulong at kalauna’y napatunayang walang sala ng korte.

Ben Rosario