Inilunsad na ng Department of Education (DepEd) ang taunang pagdiriwang ng National Teachers' Month bilang pagkilala sa kadakilaan ng mga guro sa paghulma ng kabataang Pilipino.

Makikita sa opisyal na Facebook page ng DepEd ang kanilang anunsyo hinggil dito. Ang pagdiriwang ay mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 na may temang "Gurong Filipino: Katuwang sa Hamon, Kasama sa Pagbangon."

"Happy National Teachers' Month! Mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5, ipinagdiriwang natin ang National Teachers' Month. Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay "Gurong Filipino: Katuwang sa Hamon, Kasama sa Pagbangon” bilang pagkilala sa hindi matatawarang dedikasyon ng ating mga guro sa kanilang propesyon sa anumang panahon," ayon sa post.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

May be a cartoon of 1 person and text that says 'THANK YOU TEACHER! NATIONAL TEACHERS MONTH SEPTEMBER 5 -OCTOBER 5 FEEEE GURONG FILIPINO: GURGA KATUWANG HAMON, KASAMA SA PAGBANGON SULONG EduKALIDAD DepED DepEdPhilippines DepEd_PH depedphilippines'
Larawan mula sa FB/Department of Education

Naghanda ng iba't ibang sorpresang gawain ang DepEd katuwang ang iba't ibang mga organisasyon sa mga paparating na linggo.

"Abangan ang mga inihandang gawain ng DepEd at ng ating partner organizations para sa mga guro sa darating na mga linggo. Sama-sama rin nating tunghayan ang livestream ng Virtual Kick-off Celebration sa DepEd Philippines Facebook page bukas, Setyembre 6, 8:00 AM sa pangunguna ng DepEd Region VII. #NTM2021 #ThankYouTeacherPH #MyTeacherMyFrontlineHero #SulongEduKalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo."

Teachers' COVID-19 vaccination plays a huge role in bid for learners'  return to school, DepEd says – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Sa Setyembre 6, 8:00, magkakaroon ng isang virtual kick-off celebration para sa paglulunsad ng pagdiriwang na pangungunahan ng 'DepEd Tayo Region VII' upang buksan ang isang buwang pagdiriwang at pagkilala sa kagitingan ng minamahal nating mga guro.