“Halimbawa may pelikula, ang partner si Jericho [Rosales], papaya ka [ba]?”

Ayan ng juicy na pambukad na tanong ng broadcast journalist na si Karen Davila kay Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero sa second part ng panayam niya sa mag-asawa.

“Pinag-usapan na ba natin yon?” pabirong tanong ni Chiz kay Heart na sinagot naman ni Heart ng “Yes, many times.”

Sa pagbabahagi ng aktres, malaya siyang magdedesiyon sakaling dumatingang isang offer at kasama niya rito ang kanyang ex-boyfriend na si Jericho Rosales.

Gerald Anderson, lumusong sa baha para tumulong sa rescue

“It’s up to her. If it will help her, will help her grow for me again, hindi ako selosong tao,” paglalahad ni Chiz.

Taong 2008 nang maghiwalay sina Heart at Jericho. Ilan taon matapos ang hiwalayan, ni-reveal ng aktor na "greatest love" niya si Heart.

Kasunod namang na-hotseat si Heart sa tanong ni Karen kung may mga babae bang ayaw ni Heart na nakakasama ng asawa.

“Okay, I’m gonna be very honest, there’s no naming names. Honestly, he [Chiz] makes me really secure but when you talk to him, you get to know this guy, you could be so surprised na pinipilahan siya ng maraming babae,” nakangiting paglalahad ni Heart.

“He’s really such a good guy, he’s so smart; conversation [is] so good, it’s so sexy and his appeal, his gravitas is on another level,” paglalarawan ni Heart sa asawa.

PANUORIN: Part ng panayam ni Karen Davila sa mag-asawang Heart and Chiz

Kasunod na binahagi ni Heart na dahil sa ‘strong personality’ ni Chiz, ilang mga babae noon ang “aggressive” para lapitan ang asawa.

“When I see someone coming for him, na talagang all-out, before iyak lang ako, ‘bakit sila ganon,’” pagbubunyag ni Heart habang tumatawa si Chiz.

“Before I would really feel bad, but now I know how to position myself. I know my worth so it’s sometimes how you handle the guy.”

Umabot na sa 263,055 ang views ng naturang episode sa Youtube.