Sadyang mainit sa Pilipinas dahil ito ay tropikal na bansa, isama pa riyan ang isyu ng global warming. Kaya naman, naging daan ito para kay Kristian Rafael Tan, 23, bagong graduate ng kursong Industrial Design mula sa De La Salle-College of Saint Benilde, upang makabuo ng sariling imbensyon upang malunasan na ito.
Kaya naman, ang kaniyang thesis project na 'solar-powered cooling vest' ang naisip niyang paraan upang kahit paano ay makaramdam ng lamig ang mga taong nagtatrabaho sa labas, lalo na ang mga construction worker, delivery riders, at iba pa. Itinanghal itong 'best thesis.'
Bukod sa cooling feature nito na removable fan, makakalikasan din umano ito dahil sa araw ito kumukuha ng enerhiya para gumana.
Kahit na solar-powered ito, napanatili naman niyang mura ang gastos sa kada unit ng cooling vest, para hindi maging mabigat sa bulsa at ma-afford ng mas nakararami.
Ayon kay Kristian balak niyang i-alok sa malalaking kompanya ang kaniyang imbesyon upang mapondohan ito at para mas mapa-improve pa.