Kaagad na inalmahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang viral na pekeng online quote card kung saan nakabalandra ang mukha nito at ang nakatatawa niyang pahayag na nagsimula pa ang korapsyon sa panahon pa ni Hesus-Kristo.

Nakapaloob din sa quote card ang walang kabuluhangpag-amin sa patuloy na korapsyon sa gobyerno.

“Fake news alert!!! #MasMabutiAngMayAlam,” ang bahagi ng Facebookpostni Roque nitong Sabado, Setyembre 4.

“SMNI News strongly disowns this FAKE QUOTE CARD which is now circulating in social media,” ang mensahe naman sa litrato ni Roque at sinabing ginamit ng nasa likod nito ang naturang media outlet upang palabasin na itp ay kapani-paniwala.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Any MISREPRESENTATION or UNAUTHORIZED USE of our logo and social media materials will be seen as a violation and will be subject to legal action or penalty from SMNI News,” babala naman ng nabanggit na media company.

Paliwanag naman ng mga online media firms, ginagamit nila ang quote cards upang makuha ang atensyon ng mga readers.

Ellson Quismorio